Pintados: isang pista sa Tacloban, Leyte; tribo ng mga sinaunang Pilipino noong unang dumating ang Kastila sa bansa.
Pista:
Sa panahon ng pitsa ng Kasadyaan, inaalala ng mga taga-Tacloban ang kanilang mga ninuno sa pamamagitan ng pagpipinta ng kanilang mga katawan. Maraming iba't-ibang mga paraan ng pagdiriwang nito. Daan-daang tao ang nagtitipon sa mga kalye ng takloban. Nakapintura ang kanilang mga katawan mula ulo hanggang paa.
Subalit, ang pinaka-inaabangang programa ay ang pagsasadula ng kasaysayan ng tribo ng pintados. naipapakita rin ng sayaw na ito ang makulay na kultura ng mga sinaunang tribo bago dumating ang mga banyaga. Sa sayaw naipapakita ang pagsamba ng kanilang mga ninuno sa mga idolo. Kasabay ng kanilang pagsayaw ang musika ng sinaunang panahon. Ang saya ay nagsisimula sa Balayuan Towers at umaabot sa Tacloban. Sumasama rin ang mga manunuod sa presesyong ito.
Tribo:
Ang mga Pintados ay isang tribo na kilala dahil sa kanilang mga tattoo sa kanilang mga katawan. Noong kararating pa lamang ng mga Kastila, sinasabi na ang unang nakakita sa mga Kastila ay ang mga Pintados. Dahil sa kanilang mga tattoo tinawag silang "pintados" ng mga Kastila. Ang ibig-sabhin ng "pintados" ay taong pininturahan.
Ang kanilang mga tattoo ay nagpapakita ng kanilang kaantasan sa lipunan. Ang mga tattoo ay sumisimbolo sa katapangan, at kalakasan. Ang mga pinakamababangis na mandirigma ay may napakaraming tattoo, natatakpan na nga ang buong katawan.
Noong unang nakita ng mga banyaga ang kanilang mga tattoo nabigla sila at natakot. Ngunit, sa pagdaan ng panahon, natuklasan nila na ito ay isang elemento ng kanilang kultura at isang marka ng kagandahan para sa mga Pintados.
Ang pagtattoo at pagsamba sa mga idolo ay nawala na sa pagdaan ng panahon, ngunit, binibigyan halaga ang mga ito tuwing pista ng Pintados o Kasadyaan.

Sources:
http://www.philippinecountry.com/philippine_festivals/pintados_festival.html
http://www.etravelpilipinas.com/events_festivals/pintados_festival.htm
http://bahay-paniki.deviantart.com/art/PINTADOS-51126225